Halos 7,000 bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa, naitala ngayong araw

28

Nakapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 6,969 na bagong gumaling sa bansa sa COVID-19.

6,539 naman ang bagong kaso habang 71 ang bagong binawian ng buhay.


Sa ngayon, 1,276,004 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, ang aktibong kaso ay 58,854 habang ang total recoveries na ay 1,195,181.

Ang total deaths naman ay 21,969.

Facebook Comments