BAKBAKAN | Walong myembro ng BIFF patay sa magkakahiwalay na engkwentro sa Maguindanao

Maguindanao – Mahigit limang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi sa patuloy na military operation sa Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry Division Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana ang grupo ng mga nasawi ay mga tauhan ni King Metin ang Bungos Faction ng BIFF sa Maguindanao.

Aniya nasawi ang mahigit limang bandido sa loob ng 35 minutong sagupaan sa pagitan ng 57th Infantry Battalion sa Barangay Meta, Datu Unsay, Maguindanao.


Dalawa sa limang bandido nasawi ay narekober ng militar ang bangkay, kinilala ang mga ito na sina Turman Aber at Mansor Mohammad habang binibitbit nang kanilang mga kalaban ang tatlo pang nasawi na kinilalang si Yaser Yusop, Mutin Talib at isang Mamalu at inilibing sa Sitio Lab Barangay Kuloy Shariff Aguak Maguindanao.

Narekober rin sa pinangyarihan ng engkwentro ang m16 rifle, m653 rifle, m203 grenade launcher, magazines at ammunitions.

Samantala nagkaputukan naman ang tropa ng 34th Infantry Batallion at mga armadong grupo sa Sitio Macantal Barangay Olandang Midsayap North Cotabato.

Ayon kay General Sobejana habang magmamanman ang mga sundalo sa bahay ni Mando Mamalupong alyas DM isa sa BIFF sub commander nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan.

Gumanti naman ng putok ang mga sundalo na nagresulta sa pagkamatay tatlong indibidwal.

Kinilala itong sina Norman Kanapia, miyembro ng BIFF, Pinidiza Tumagantan, father in law ni Commander DM at logistic provider ng BIFF, Aida Dalgan, supporter kapatid ng asawa ni Commander DMs.

Sugatan naman sina Abad Tumagantang at Rashid Dalgan Tumagantang mga miyembro ng BIFF.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang m16 rifle, tatlong hand grenades, isang IED, isang Binocular, 1 cal .45 pistol, 3 units cell phones used for technology exploitation, 1 unit of tablet, at assorted magazines and ammunitions.

Facebook Comments