Bakbakang Pacquiao at Garcia, posibleng sa Hulyo o Agosto gaganapin

109

Tiniyak ni Arnold Vegafria, ang business manager ni Senator Manny Pacquiao na tuloy ang laban nito kontra kay Mexican-American boxer Mikey Garcia na gaganapin sa Dubai.

Ayon kay Vegafria, ilang detalye na lamang ang pinaplantsa at iaanunsyo na nila ang laban para sa muling pagbabalik sa ring ni Pacquiao.

Aniya, sa Hulyo o Agosto ang napipisil nilang petsa ng kanilang laban.


Inamin din ni Vegafria na noon pang isang taon ginagawa ang negosasyon para sa laban ng dalawa.

Bukod kay Garcia, ilang boksingero ang sinasabing nakapila para labanan si Pacquiao gaya nina Terence Crawford at Errol Spence. Rico Navarro.

Facebook Comments