BAKBAKAN|NPA member patay sa bakbakan laban sa mga sundalo sa Davao Occidental

GENERAL SANTOS CITY- Patay ang isang kasapi ng rebeldeng New People’s Army sa nangyaring baqkbakan laban sa tropa ng 73rd Infantry Battalion, Philippine Army alas-6 ng umaga kahapon sa Sitio Lamtubo, Barangay Culaman, Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Kinilala ang namatay na kasapi ng NPA na si Mamar Talino Cawan alyas Budok, residente ng Sitio Upper Kihan, Barangay Upper Suyan, Malapatan, Sarangani Province.

Napag-alaman na umabot nga halos 30 minuto ang nangyaring bakbakan ng dalawang grupo matapos nagsagawa ng combat operations ang 73rd IB laban sa tinatayang 20 kasapi ng NPA.


Nakuha sa encounter site ang M635 Baby Armalite, dalawang backpack, Icom Radio at cellphone na pagmamay-ari ni Cawan.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang ginagawang clearing at pursuit operation ng tropa ng gobyerno sa nasabing lugar. Samantala dinala naman sakay ng helicopter ng 73rd Infantry Battalion ang labi ng nasabing rebelde dito sa lunsod ng Gensan.

Facebook Comments