Bakit binansagang “liquid gold” ang breast milk ng isang ina?

Patuloy na ipino-promote ng National Nutrition Council ang breastfeeding sa mga sanggol lalo na sa unang anim na buwan ni baby matapos na ipanganak.

 

Sa ika-apat na episode ng programang “Nutrisyon mo, Sagot ko” ng NNC, tinalakay ni Ms. Luz Tagunicar, Supervising Health Program Officer ng Disease Prevention and Control Bureau ng Department of Health kung bakit binansagang “liquid gold” ang breast milk ng isang ina.

 

Ayon kay Tagunicar, ang breast milk ay may sapat na nutritional value na kailangan ni baby sa unang anim na buwan nito upang lumaking malusog at hindi sakitin.


 

Napatunayan aniya sa mga pag-aaral na may preventive properties ang breast milk para hindi magkasakit si baby, bukod pa sa mababa ang tyansa na magkaroon siya ng diabetes o maging obese paglaki.

 

Batay naman sa World Health Organization, ang mga batang pina-breastfeed ay maganda ang performance sa eskwelahan.

 

Dahil dito, patuloy na isinusulong ng pamahalaan ang pag-promote sa breastfeeding sa pamamagitan ng mga batas na sumusuporta rito.

 

Kabilang dito ang Breastfeeding Awareness Act at Extended Maternity Leave para magkaroon ng matagal na oras si mommy na makapagpa-breastfeed kay baby.

 

Facebook Comments