Bakit maraming nagloloko sa isang relasyon?

IMAGE OATUAL.COM.BR

Nagtataka ka ba kung bakit kahit matagal na kayo ng iyong karelasyon, nagagawa pa rin nilang magloko o mag-cheat?

Ito marahil ang ilan sa mga dahilan:

  1. HINDI SILA “IN LOVE”

Ang pakiramdam na ang boyfriend/girlfriend mo ay hindi “The One”, o hindi NA siya ang “The One”. Kapag ito ang nararamdaman ng isang tao sa relasyon, ay isa sa mga dahilan kung bakit nagloloko o nagchi-cheat ang mga tao. “Lack of love is a powerful motivation- it’s definitely one of the stronger ones,”- Dylan Selterman.

  1. HINDI SATISFIED SA SEX LIFE

Mababaw ngunit isang malaking factor ang SATISFACTION sa sex life sa pagchi-cheat ng couples sa isa’t isa. Kadalasan kapag nawawalan ng interes sa sex ay dahil nawalan na rin ng interes ang partner mo sa iyo o gusto mo subukan ang isang bagay na hindi maibibigay ng partner mo. ““We also found people might be motivated to test the waters with regards to their own orientation or identity,” –Dylan Selterman.

  1. SEX

Karamihan sa mga umamin sa pagtataksil ay umamin na sila ay nakapagtaksil dahil lamang gusto nila makipag-SEX sa iba. Karamihan sa mga umamin sa pagtataksil na ito ay LALAKI. Ang mga babae naman kadalasan ay nagchecheat sa pakiramdam na sila ay napapabayaan o naisasantabi.

  1. GALIT

Oo, minsan ang pagtataksil ay bunga ng purong GALIT , 43% ng mga taong nagtaksil ay umamin na nagtaksil sila dahil sa galit. Maaaring gusto nila gumanti sa kanilang partner dahil sa pagtataksil sa kanila o maaaring di lang maganda ang takbo ng araw nila at lumapit sila sa kanilang katrabaho for “help”.

  1. EGO

Minsan, nagtataksil ang mga tao para lamang ma-boost ang kanilang EGO or self esteem. Maaaring nakararamdam ng “sense of self-worth” ang mga nagchi-cheat para sa kanilang confidence, independence o di kaya’y social status at popularity.

Article written by Karen Hazel Paran

Facebook Comments