Bakit masaya magkaroon ng beki friend?

1. May instant clown ang tropa. Kapag kasama mo sila, hindi ka malulungkot. Ayaw kasi nila ng drama.
2. May magtatanggol sa inyo kapag may kaaway ka. Palaban sila at kapag may umaaway sa kaibigan nila, makikipag-away talaga sila.
3. May make-up artist. Dahil kabogera sila, expert sila sa pagmemake-up. Kilay pa lang ng mga yan, pak na.
4. May source ng chika. Kapag may chika, hala ayan sila. Nangunguna magbalita.
5. May critique ka. Kapag pangit ang suot mo, kung anong bagay sa iyo, kung anong dapat mong gawin, ‘yan. Nandyan sila para maging tagapayo mo.

Facebook Comments