Matagumpay na isinagawa ang programang Bakuna Eskwela o School-Based Immunization sa Lucao Elementary School sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan, katuwang ang Department of Health at Department of Education.
Kabilang sa mga libreng bakunang ipinagkaloob ang Measles-Rubella at Tetanus-Diphtheria vaccines para sa Grade 1 at Grade 7, gayundin ang HPV vaccine para sa mga babaeng mag-aaral sa Grade 4.
Nakiisa rin ang Siapno-Tada Optical Incorporated sa pamamagitan ng Project Linaw Mata for Kids, na nagkakaloob ng libreng eye check-up at prescription eyeglasses para sa mga batang may eded 15 pababa.
Layunin ng programa na maprotektahan ang mga kabataan laban sa mga sakit at mailapit sa kanila ang mga serbisyong pangkalusugan para sa mas malusog na kinabukasan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








