SAN NICOLAS AT UPLB, PINAG-USAPAN ANG POSIBLENG PAKIKIPAGTULUNGAN SA AGRIKULTURA AT KALIKASAN

Tinalakay ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas, Pangasinan at University of the Philippines Los Baños o UPLB ang posibilidad ng pakikipagtulungan sa larangan ng agrikultura at pangangalaga sa kalikasan.

Ito ay matapos ang isinagawang pagpupulong ng LGU kasama ang School of Environmental Science and Management o SESAM ng UPLB.

Kabilang sa mga tinalakay ang Smarter Approaches to Reinvigorate Agriculture as an Industry in the Philippines o SARAI, isang research and development initiative na nagtataguyod ng paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

Inilatag sa puling ang posibleng suporta ng UPLB sa mga usapin ng environmental policy development, water resource management, climate change adaptation at disaster risk reduction.

Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Tourism Office at Municipal Agriculture Office (MAO). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments