Bakuna kontra ASF, malapit nang mabili sa merkado

Malapit nang mabili sa merkado ang bakuna kontra African Swine Fever o ASF.

Sa pamamahagi ng Presidential Assistance sa Eastern Samar, inanunsyo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na posibleng maaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) sa susunod na dalawang linggo ang commercial trial ng bakuna.

Kasunod aniya nito ay susunod na ang commercial distribution.


Ayon kay Laurel, oras na maging available sa mekado ang bakuna na galing sa Vietnam ay mapipigilan ang pagkalat ng ASF sa bansa.

Samantala, bukod dito ay kailangan din aniyang tutukan ang pagpasok ng imported goods kaya dapat na maghigpit ang mga awtoridad sa mga pumapasok na produkto sa bansa.

Facebook Comments