Bakuna kontra COVID-19 ng Moderna, nasa 94% na epektibo

Inihayag ng American biotech company na Moderna Inc., na nasa 94.5% epektibo ang kanilang experimental vaccine laban sa COVID-19.

Ito’y base sa ginawa nilang Phase 3 clinical trial kung saan ito na ang ikalawang U.S. company na nag-report ng positibong resulta ng kanilang ginawang bakuna kontra COVID-19.

Una nang nag-anunsyo ang Pfizer Inc., na mahigit 90% na epektibo ang kanilang COVID-19 vaccine.


Dahil dito, maaari maging dalawang bakuna ang bigyan ng awtorisasyon ng gobyerno ng Amerika para sa emergency use sa December 2020.

Nabatid na aabot sa 60 milyong dose ng bakuna ang magiging available umano bago matapos ang taon.

Facebook Comments