Bakuna kontra Japanese Encephalitis, pinag-aaralang isama sa mga ipamamahaging bakuna sa 2018

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng Department of Health na maisama sa National Immunization Program ang pamamahagi ng bakuna kontra sa mosquito borne disease na Japanese Encephalitis pagdating ng 2018.

Ito ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Ubial ay bilang bahagi ng kanilang hakbang upang maitaas ang awareness ng publiko kaugnay sa Japanese Encephalitis.

Inaantay na lamang aniya ng DOH na mairehistro sa FDA ang mga bakuna para sa Japanese Encephalitis, dahil sa kasalukuyan, bukod sa limitado lamang ang supply nito sa bansa dahil isa lang aniya ang supplier dito, ay may kamahalan rin ang presyo ng vaccine.


Sakaling ma aprubahan ang plano, ang klase ng bakuna na kukunin ng DOH ay ‘yung itinuturok lamang ng isang beses upang mas mapadali ang proseso ng pagbabakuna.

Facebook Comments