BAKUNA KONTRA PNEUMONIA AT INFLUENZA, ITINUROK SA MGA SENIOR CITIZEN SA BAYAN NG BURGOS

BURGOS, PANGASINAN – Bukod sa pagbabakuna ng Rural Health Unit ng Burgos, sa mga residente nito sa COVID-19, patuloy naman ang pagbabakuna sa mga senior citizen ng mga kawani ng RHU kontra pneumonia at influenza.

Natanggap na ng daan-daang senior citizens sa nasabing bayan ang bakuna para labanan at makaiwas sa mga sakit gaya ng pneumonia at influenza upang mapalakas pa ang kanilang kalusugan gayong nasa panahon pa rin ng tag-ulan at sa kasalukuyang nararanasang dulot ng pandemyang COVID-19.

Ang bakunang ito na handog ng RHU Burgos ay para madagdagan pa ang proteksyon ng mga residente sa nakakahawang sakit.


Samantala, magpapatuloy pa ang vaccination na ito sa September 14 hanggang September 16.

Facebook Comments