Halos kalahati ng target population ng Muntinlupa LGU, nabakunahan na kontra COVID-19

29

Kinumpirma ng Muntinlupa City Government na 507,964 na bakuna na ang kanilang naiturok.

Ito ay halos kalahati na ng kanilang target population.

Sa ngayon, 49.9% na ng target na bilang ng mga residente ng Muntinlupa ang fully vaccinated, habang 319,963 individuals naman ang nakatanggap na ng first dose ng COVID-19 vaccine o katumbas ng 83% na target.


Hinimok naman ng Muntinlupa LGU ang mga residenteng hindi pa bakunado na magparehistro na rin lalo na’t mataas ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Facebook Comments