BAKUNA KONTRA TIGDAS | DOH, inilunsad ang ‘ligtas tigdas’ campaign

Manila, Philippines – Inilunsad ng Department of Health (DOH) ang ‘ligtas tigdas’ campaign.

Sa datos ng epidemiology bureau, aabot sa higit 4,000 kaso ng tigdas ang naitala sa buong bansa mula January 1 to March 26.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, sa ilalim ng programa, magbibigay ng libreng bakuna kontra tigdas sa mga bata.


Pinaghahanda na rin aniya ang national measles supplemental immunization activity sa national capital region (ncr) at mindanao kung saan may pinakamaraming naitatalang kaso ng tigdas.

Magsasagawa ng pagpapabakuna sa NCR mula April 25 hanggang May 25 habang sa Mindanao ay sa May 9 hanggang June 8.

Facebook Comments