Hindi pinagkakatiwalaan ng mga tao sa mundo ang mga COVID-19 vaccines na mula sa China at Russia.
Ito ang naging resulta ng isinagawang survey ng international company na YouGov sa halos 19,000 na tao.
Ayon sa survey, nais ng mga taong magpabakuna kontra COVID-19 ngunit may pag-aalinlangan kung sa mga nasabing bansa manggagaling ang bakuna.
Matatandaang kinuwestiyon din ng mga Pilipino ang desisyon ng gobyerno na bumili ng bakuna mula sa kompanyang Sinovac dahil sa mas mababang efficacy rate nito.
Facebook Comments