Bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at Moderna, unang gamot na magagamit ng Pilipinas sa 2021 ayon sa DOST

Posibleng ang bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at Moderna ang unang magagamit na bakuna sa Pilipinas ayon Department of Science and Technology (DOST).

Paliwanag ni Jaime Montoya, Executive Director ng DOST–Philippine Council for Health Research Development, ang kanilang aplikasyon sa “emergency use authorization” (EUA) ang daan para magkaroon ng bakuna sa bansa mula sa dalawang kompanya.

Maaari namang maging available na sa Pilipinas ang nasabing mga bakuna sa ikalawang kwarter ng 2021 kung maibibigay na sa mga ito ang EUA.


Kasabay nito, sinabi rin ni Montoya na katanggap-tanggap ang ulat na 50 percent na epektibo laban sa COVID-19 ang bakuna ng China na Sinovac.

Ito kasi aniya ang minimum requirement na itinakda ng World Health Organization (WHO) kaya malaki ang posiblidad na maging mabisa itong bakuna kontra COVID-19.

Sa ngayon, umabot na sa apat na bakuna na ang pinag-aaralang gamitin ng Pilipinas sa unang kwarter ng 2021 kung saan kabilang dito ang; Russia’s Gamaleya Institute, China’s Sinovac, Sinopharm at CanSino.

Facebook Comments