Bakuna ng Pfizer at Gamaleya, inaasahang darating sa bansa sa susunod na buwan

Inaasahang made-deliver sa Pilipinas sa susunod na buwan ang mga bakunang gawa ng Pfizer at Gamaleya Research Institute.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang “favoritism’ sa pagbili ng tinaguriang potentially life-saving doses.

Aniya, ang maliit na volume ng bakuna ay magmumula sa Pfizer.


Wala namang ibinigay na detalye si Roque sa bilang ng doses na manggagaling mula sa Gamaleya, na nag-develop sa Sputnik V vaccine.

“So pagdating po ng Pebrero, hindi lang 50,000 Sinovac ang available, mayroon na rin pong papasok na galing sa Pfizer at hindi rin po imposible na by February baka mayroon na rin tayong maangkat galing po sa Gamaleya ng Russia. So iyong 50,000, iyan po siguradong papasok ng Pebrero pero mas malaki pa po posible ang numero.” ani Roque.

Nilinaw naman ni Roque na hindi porke papasok ang Sinovac sa Pebrero ay titigil na ang pamahalaan mag-effort na makaangkat ng iba pang bakuna galing sa ibang mga manufacturers

Facebook Comments