Maaaring i-deploy ang COVID-19 vaccine ng Pfizer sa iba pang lugar sa Pilipinas pero depende ito sa ultra-cold storage facilities na maiaalok ng pribadong sektor.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring mag-distribute ng Pfizer vaccines sa Metro Manila, Cebu, Central Luzon at Calabarzon dahil mayroong storage facilities na akma sa storage requirement ng bakuna.
Pero sinabi ni Vergeire na sa mga susunod na buwan ay maaari na ring makapagtayo ng cold storage facilities sa iba pang panig ng bansa na maaaring mag-imbak ng Pfizer vaccines.
Ang mga bakuna ng Pfizer ay kailangang nakatago sa -70 degrees celcius freezer, at mayroon itong efficacy rate na 95%.
Facebook Comments