Dumating na sa Metropac Movers Storage facility sa Marikina City eksaktong 7:35 ngayong gabi ang bakuna ng Sinovac galing sa China.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, walang dapat ipangamba ang publiko sa pag- iimbakan ng Sinovac vaccine sa storage facility dahil mayroon umanong kapasidad ito hanggang 500-million doses ng bakuna.
Nasa 70 porsyento naman aniya ng mga healthcare workers sa lungsod ang handang-handa nang tumanggap ng bakuna laban sa COVID-19 kung saan ang natitirang 30 porsyento ay hinikayat ng alkalde na magpabakuna agad kaysa hintayin ang gusto nilang brand ng bakuna.
Giit pa ni Mayor Teodoro, mas mainam umanong maroong proteksyon sa panahong ito dahil kung maghihintay pa umano ang publiko ng linggo o buwan bago nila matanggap ang gusto nilang brand ng bakuna at ang oportunidad umano para doon sa hawaaan ay hindi nila inaasahan at ang viral transmission ay naroon palagi kaya’t huwag nang mag-atubili pa.