Mahigit P1.1 milyong halaga ng shabu, nasabat sa Taguig City; mga suspek, arestado

25

Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit 1.1 milyong pisong halaga ng umano’y shabu matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa dalawang lalaking tulak ng ilegal na droga.

Nakilala ang mga suspek na sina Jose Hernando Calpito Llaguno, alyas “Giboy”, 20-taong gulang at Enzo Dwight Borja Javier, alyas “Dwight,” 18-taong gulang at parehong residente ng Taguig City.


Nakuha mula sa kanila ang 170 grams na umano’y shabu at may halagang nasa P1,156,000.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), ikinasa ang nasabing operasyon laban sa mga suspek matapos silang mabilhan ng ilegal na droga ng mga pulis na nagkakahalaga ng P270,000.

Ginawa ang buy bust operation pasado alas-7:30 ng gabi noong Sabado sa kahabaan ng C5 Service Road, Phase 2, Brgy. Pinagsama, Taguig City.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.



Facebook Comments