Bakunahan kontra Tigdas sa BARMM, mamadaliin — DOH

PHOTO: DOH-CHD SOCCSKSARGEN Region/Facebook

Target ng Department of Health (DOH) na madaliin ang bakunahan kontra tigdas sa BARMM.

Sa gitna ito ng mataas na kaso ng tigdas sa rehiyon mula pa noong nakalipas na taon.

Sa kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na epekto ito ng vaccine hesitancy sa rehiyon.


Ibig sabihin, maraming magulang ang natatakot pabakunahan ang kanilang mga anak.

Ayon kay Herbosa, nagsimula na ang kanilang pinaigting na vaccination drive sa mga bata sa pakikipagtulungan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) government.

Sa ngayon, nasa daan-daang libong mga bata na ang nabakunahan kontra tigdas pero malayo pa sa mahigit isang milyon na batang target mabakunahan.

Nasa mahigit 70% ng mga kaso ng tigdas sa bansa ang nagmula sa BARMM na nasa 592 mula noong pumasok ang taon.

Facebook Comments