Muling dinagsa ng magpapabakuna laban sa COVID-19 ang Pasig City Sports Center ang vaccination site ng lungsod.
Dahil ngayong araw isasagawa ang pagtuturok ng 2nd dose ng COVID-19 vaccine gamit ang Sinovac para sa mga medial frontliner, senior citizen, at person with comorbidities.
Maaga pa lamang ay mahaba na ang pila na umabot sa ikalawang palapag ng center.
Nagdagdag na rin ng mga upuan ang mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Pasig upang matiyak na nasusunod ang social distancing.
Bagama’t patuloy ang pagdagsa ng magpapabakuna, maayos naman na naipapatupad ang health protocols laban sa COVID-19.
Nagsimula ang bakunahan pasado alas-8:00 ngayong umaga at matatapos ito mamayang alas-5:00 ng hapon.
Bawal ang walk-in kaya naman ay tanging ang may mga appointment lang ngayong araw ang papasukin sa Pasig City Sports Complex.
Samantala, as of May 19, umabot na ng 63,134 ang nabakunahan laban sa COVID-19 na mga residente ng Lungsod ng Pasig.