Bakunahan sa hanay ng AFP muling umarangkada; mahigit 34,000 mga sundalo nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19

Nagsasagawa na muli ng pagbabakuna sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana, kahapon ay muling nagsimula ang bakunahan para sa mga sundalong hindi pa nakakatangap ng bakuna kontra COVID-19.

Ito ay matapos na makatangap muli ang Camp General Emilio Aguinaldo Station Hospital ng 500 CoronaVac doses na ituturok sa mga sundalong nakatalaga sa AFP General Headquarters.


Habang hinihintay pa ng AFP ang kanilang hiling na bakuna para sa mga Military Treatment Facilities (MTFs) sa National Capital Region (NCR) kabilang ang Army General Hospital, Manila Naval Hospital at Air Force General Hospital.

Samantala hanggang nitong June 11, umabot na sa kabuaang 34,978 AFP personnel ang nakatannggap na ng unang dose ng Sinovac vaccine habang 34,390 ay nakakumpleto na ng second dose ng Sinovac.

Sa 1,667 AFP personnel, ang nakatanggap na ng unang dose ng AstraZeneca at 1,155 ay naturukan na ng second dose.

Facebook Comments