Bakunahan sa Mandaluyong, pansamantalang itinigil dahil sa sama ng panahon

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong na pansamantalang ititigil muna ang bakunahan laban sa COVID-19 sa lungsod dahil sa sama ng lagay ng panahon sa Metro Manila na dulot ng Bagyong Jolina.

Batay sa kanilang abiso, simula ngayong araw hanggang bukas ay lahat ng vaccination sites sa lungsod ay sarado dahil sa inaasahang masamang panahon dulot ng nasabing bagyo.

Payo naman ng pamahalaang lungsod na manatiling naka-antabay sa kanilang official Facebook page para sa mga susunod na schedule ng pagbabakuna.


Samantala, pumalo na sa mahigit 730,000 na indibidwal ang nabakunahan na sa lungsod laban sa COVID-19.

Mula sa nasabing bilang, mahigit 450,000 sa kanila ay nabakunahan na ng first dose habang ang mahigit 299,000 ay nakakompleto na ng bakuna laban sa nasabing sakit.

Facebook Comments