Inihayag ng pamahalaang lungsod ng San Juan na target nilang bigyan ng anti-COVID-19 vaccine ang 800 na mga batang may edad 12 hanggang 17 anyos na walang comorbidity o walang sakit at kapansanan.
Matapos ilunsad ng pamahalaang lungsod ang pediatric vaccination ngayong araw sa FilOil Flying V Centre o San Juan Arena .
Pwede naman magpabakuna ang mga kasama ng mga bata na parents or guardians na hindi pa bakunado kontra sa nasabing sakit.
Samantala, sa Marikina City, target din nilang bakunahan ngayong araw ang 2,000 mga batang may edad 12 hanggang 17 anyos.
Ginagawa nila ang bakunahan sa mga bata sa Marikina City Sports complex.
Umaasa naman ang pamahalaang lungsod ng Marikina at San Juan na mas darami pa ang magpapabakunang mga bata sa mga susunod na mga araw.