Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Region 2 na ang Lambak ng Cagayan ang may pinakamataas na porsyento ng mga nabakunahan na Senior Citizen kumpara sa iba pang rehiyon sa bansa.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Dr, Mar Wynn Bello, Assistant Regional Director ng DOH-2, umabot sa 96% ang bilang ng nabakunahang kabilang sa A2 group.
Bukod pa dito, naitala rin ng rehiyon dos ang pinakamataas na bilang ng mga nabakunahan na edad 5-11 na umabot sa mahigit 50%.
Samantala, nasa 32% palang ang mga nabakunahan sa mga Kabataang edad 12-17.
Umaasa naman ang DOH na ngayong darating na Disyembre 5-11, 2022 ay mas madagdagan pa ang bilang ng mga nagpapabakuna.
Paalala ni Bello sa publiko na hangga’t maaari ay magsuot ng face mask upang makaiwas pa rin sa banta ng COVID-19.
Facebook Comments