Philippine Embassy sa Indonesia, tiniyak na maari pa ring makapagpatala sa voter registration ang mga wala pang passport

Maaari pa ring makapagpatala sa voter registration ang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Indonesia na wala pang valid passport.

Ayon sa Philippine Embassy, ang kailangan lamang na ipakita ay ang certification na inisyu ng embahada na magpapatunay na sila ay nakapagsumite ng kaukulang mga dokumento para sa issuance ng passport.

Sa naturang sertipikasyon, nakasaad din na na-review ng Philippine Embassy ang mga dokumentong isinumite ng OFWs.


Magsisimula ang overseas voter registration sa December 9, 2022.

Facebook Comments