Patuloy at lalong pinalalakas ng buong pwersa ng RHU-Infanta at DOH-HRH Infanta ang programang Bakunahang Bayan sa kanilang bayan.
Patuloy na nabigyan ng proteksyon ang mga residente sa Infanta laban sa banta ng COVID-19.
Pinalalakas pa ang pagbabakuna sa bayan dahil hindi porke mababa na ang bilang ng kaso ay makampante na sila, mahalaga pa rin ang bakuna at ang booster shots para maprotektahan ang sarili at ang pamilya laban sa COVID-19.
Nagkaroon ng Bakunahang Bayan sa Infanta Municipal Park, Barangay Pita, Barangay Babuyan at sa iba’t ibang establisyemento ng Barangay Poblacion upang mas maging abot-kamay ng mga residente ang karagdagang booster shots at vaccine laban sa COVID-19 virus.
Lubos naman ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan, RHU-Infanta at DOH-HRH-Infanta sa lahat ng mga nagpabakuna at patuloy na nakikiisa sa laban kontra COVID-19. |ifmnews