Bakunang gawa ng Pfizer kontra COVID-19, mas gusto ng karamihan sa mga pulis

52

Mas marami sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ay gusto ang bakunang gawa ng Pfizer kontra COVID-19 na ituturok sa kanila kumpara sa bakunang gawa ng China na Sinovac.

Sinabi ni Police Deputy Chief for Administration Lieutenant General Guillermo Eleazar, ang 700 mga PNP personnel na unang babakunahan sa PNP ay Pfizer ang ituturok dahil ito mauunang darating sa bansa pero na-delay ang pagdating nito at maaaring mauuna pa ang Sinovac mula sa China.


Maging sa mga isinagawang survey ayon kay Eleazar ay mas gusto ng karamihan ng mga pulis ang Pfizer.

Samantala, sa kabila na karamihan sa mga pulis ay gusto ang bakunang gawa ng Pfizer nakahanda naman daw ang mga PNP Senior Officers na magpapaturok sila sa publiko para lang makahikayat ng mga kasamahang pulis na magpabakuna rin kahit ano pa ang brand nito.

Pero hindi umano kasama sa priority list ang mga heneral na mauunang mabakunahan kontra COVID- 19.

Facebook Comments