Dalawang construction worker na may kasong frustrated murder, naaresto sa Quezon City

34

Hinuli ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang lalaking nagtatrabaho bilang construction workers dahil may kinahaharap na kasong tangkang pagpatay o frustrated murder.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang dalawang naaresto na sina Mark James Bautista, 28-anyos at Jeffrey Rempillo, 27-anyos.


Naaresto sila ng mga pulis sa Mafran Area 1, Brgy. Old Balara, Quezon City sa pamamagitan ng warrant of arrest.

Sa ngayon, nananatili sila sa kustodiya ng Pulisya habang inihahanda ang kanilang piyansa na aabot sa P200,000 bawat isa.

Facebook Comments