Umabot na sa 1. 5 milyon ang bakunang natanggap ng Ilocos Region kaugnay pa rin sa nagpapatuloy na kampanya kontra COVID-19.
Base sa datos ng DOH-CHD1, ang nasabing bilang ay mula sa anim na brand nang bakuna na kinabibilangan ng Sinovac, Astrazeneca, Pfizer, Gamaleya, Johnson and Johnson at Moderna Vaccine. Sa nasabing bilang pinaka marami dito ang brand ng bakunang Sinovac na lagpas na ng isang milyon
Nasa 1. 3 milyon o 90.99% naman na ang naiturok sa mga eligible group ng rehiyon.
Samantala, Matatandaan na ilang LGUs na ang nagsimulang magbakuna sa A5 category dahil sa nakabili ang mga ito ng kanilang sariling bakuna.
Facebook Comments