Cagayan de Oro, Philippines – Mahigit limang libong mga bakwit mula sa Marawi City ang isasailalim sa stress debriefing sa psychosocial division ng Cagayan de Oro City Social Welfare and Development Office o CSWDO.
Ito’y pangungunahan ni CSWDO Division Head Jaymee Leonen at Xavier University-Psychology Department.
Napag-alaman na lilibot ang psychosocial division sa mga lugar kung saan naroon ang mga bakwit para sa nasabing psychological first aid.
Kamakailan lamang ay 30 ang sumailalim sa volunteers training on psychological first aid para maayos na maipatupad ang nasabing programa.
DZXL558
Facebook Comments