Ginang, nabiktima ng “budol-budol” gang sa Pagadian

196

Pagadian, Philippines – Isang ginang na may edad na 77 ang nabiktima ng “budol-budol” gang kaninang umaga sa labas ng isang mall sa lungsod ng Pagadian.

Kinilala ang biktima na si Luz Pelago Sumarago na taga Barangay Tuburan na nawalan ng pera na nagkakahalagang P50,000.


Sumakay ang mga biktima sa sasakyan ng mga suspek at binigyan umano siya ng mga alahas at perang nagkakahalag ng P16,000.

Habang nagkukwentuhan, hindi namalayan ng biktima na tinangay na ang kanyang wallet.

Ibinaba siya sa Barangay Kawit ngunit ng kanyang binuksan ang bag na bigay ng mga suspek papel lahat ang laman nito.
DZXL558

Facebook Comments