Balak ng Isang Kawatan sa Bangko, Pumalpak!

Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Nabigo sa tangkang pagnanakaw at panloloob sa isang bangko ang isang lalaki matapos mabisto ng CCTV particular sa College Avenue, Centro 8, Tuguegarao City kamakailan.

Batay sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan, nakatanggap umano ng impormasyon ang PNP Tuguegarao City sa isang bangko na mayroon umanong isang lalaki ang nagmamanman at tinitignan ang vault nito kung saan ay nag-alarm umano ang bangko dahil sa ikinilos ng suspek.

Dahil dito ay agad umanong tinungo at ininspeksyon ng kapulisan ang bangko sa pangunguna ni Chief of Police PSUPT George Cablarda kasama ang manager ng bangko na si Romel Melad at nakumpirmang may isang butas na konektado sa kanal na nagsilbing lagusan ng suspek subalit bigo nitong magalaw ang vault dahil protektado ito ng mga bakal.


Narekober naman ng SOCO PRO2 sa naturang bangko ang isang hydraulic Jack, isang Crowbar, isang Flashlight, isang Plier at Screw driver, isang steel saw at isang Kahoy.

Samantala, pinayuhan naman ni PRO2 Regional Director, PCSUPT Jose Mario M. Espino ang publiko lalo na sa mga establisyimento na maging maingat at alerto upang hindi mabiktima ng mga kawatan.

Facebook Comments