BALANSENG KUMPETISYON | Mga bagong local TNVs sa bansa, iginiit na bigyan ng insentibo ng gobyerno

Manila, Philippines – Hiniling ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo sa gobyerno na magbigay ng insentibo sa mga lokal na Transportation Network Vehicles o TNVs sa bansa.

Ang suhestyon ay upang maiwasan ang monopolya ng GRAB at UBER sa bansa.

Paliwanag ni Castelo, makakatulong ang pagbibigay ng incentives sa mga local players upang mapanatili ang balanseng kompetisyon sa mga TNVs.


Hinimok ni Castelo ang pamahalaan na gumawa ng programa para sa pagbibigay ng kaparehong perks na nakukuha ng mga interntional ride-hailing service app tulad ng GRAB at UBER gaya ng pagbibigay ng income tax breaks.

Sa ganitong paraan ay marami ang mahihikayat na kumuha ng serbisyo sa small TNVs ng bansa.

Sa kasalukuyan ay may apat na local firms sa bansa ang kumuha ng lisensya kabilang dito ang PIRA, LAG GO, OWTO AT HYPE na layong i-challenge ang GRAB-UBER merger at mabigyan ng magandang serbisyo ang publiko.

Facebook Comments