Layunin nito na ipakita sa publiko ang kahalagahan ng balanseng paggamit ng abono lalo na ngayong mahal ang presyo at tamang paggamit ng pestisidyo upang mapababa ang gastusin sa pagsasaka partikular ang produksiyon ng gulay.
Ayon kay DA-BAR Director Junel Soriano, maikokonsiderang ito ang kauna-unahang proyektong isinakatuparan sa bansa na napakahalaga na ipakilala ang mga teknolohiyang ito sa ating mga magsasaka upang mapataas ang ani at kita.
Samantala, sinabi naman ni Regional Technical Director for Research and Regulatory Rose Mary G. Aquino na patuloy ang pagbibigay ng suporta ng DA sa Sto. Nino dahil sa taglay nito na produktibong lupa.
Aniya, napatunayan na sa mga ginawang pananaliksik ng DA na ang bayan ay suitable sa lowland at highland vegetable production kung kaya’t nararapat lang na bigyan ng importansya ang ganitong mga aktibidad upang mas mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa nasabing lugar.
Ang Sto. Nino ay tinaguriang vegetable bowl ng Cagayan dahil sa taglay nitong mayamang lupa, maraming gulay ang maaaring itanim.
Plano naman ng LGU ang pagkakaroon ng pinakbet at chopsuey vegetable festival kada taon upang mas marami pang mga magsasaka ang mahikayat na magtanim ng gulay.