Balaoan, La Union Vice Mayor Al-Fred Concepcion, naihatid na sa kaniyang huling hantungan

Naihatid na sa kaniyang huling hantungan ang napatay na si Balaoan, La Union Vice Mayor Al-Fred Concepcion.

Mula sa munisipyo ng Balaoan, dinala ang mga labi ni Concepcion sa St. Nicholas church para sa idaraos na huling misa bago ito ilibing.

Nakiramay naman ang mga kamag-anak at tagasuporta na patuloy na nananawagan ng hustisya kung saan kinondena nila ang ginawang pananambang sa Bise Alkalde.


Matatandaang tinambangan ang Bise Alkalde at ang kaniyang anak na si Mayor Aleli Concepcion ng mga hindi pa nakikilalang armadong lalaki sa Balaoan-Luna Road noong November 14, 2018.

Facebook Comments