KALABOSO | 2, arestado matapos ireklamo ng illegal recruitment sa Maynila

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang katao matapos ireklamo ng illegal recruitment sa Pedro Gil, Paco, Manila.

Bukod sa illegal recruitment, namemeke din ng mga dokumento ang mga suspek na sina Eladio Cabrera at Melissa Cadorna.

Ayon kay Supt. Roque Merdegia Jr. of the Criminal Investigation and Detection Group – Anti Transnational Crime Unit (CIDG-ATCU), tatlo sa mga biktima ng mga ito ang nagsampa ng reklamo kung sana pinangakuan sila ng trabaho sa Dubai at Qatar.


Nabatid na nagbayad ng p20,000.00 ang mga biktima pero hanggang sa ngayon ay walang nangyari sa kanilang aplikasyon.

Facebook Comments