Balasahan ng matataas na opisyal sa PNP, idinepensa

Para sa career growth at opportunities ang nangyaring rigodon sa matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police BGen. Roderick Augustus Alba, magbibigay-daan ang balasahan sa pagpapalakas sa buong hanay ng Pambansang pulisya gayundin sa kanilang strategic offices and units.

Aniya, sa pamamagitan ng pagpapalitan ng pwesto, mailalagay ang mga opisyal na mas may kakayahan base sa kanilang karanasan na pamunuan ang isang unit.


Mas mahahasa rin ang operational at administrative function ng PNP sa kampanya nito laban sa kriminalidad, pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan.

Nabatid na aabot sa mahigit 30 mga opisyal ang sakop ng balasahan na ipinatupad ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., isang linggo matapos nitong maupo sa pwesto.

Facebook Comments