FREE BIRTH LATE REGISTRATION ALOK NG PSA PANGASINAN AT MALASIQUI

34
Maghahatid ng libreng serbisyo ang lokal na pamahalaan ng Malasiqui ng isang programa na Free birth late registration sa bisa ng Memorandum of Agreement sa PSA sa ilalim ng Philsys Birth Registration Assistance Project.
Layunin nito na mairehistro ang Birth Certificate ng lahat nang hindi pa nakatala sa Office of the Municipal Civil Registrar upang sila ay mapasali na sa PhilSys National Identification System at upang maitaas ang antas ng pagtatalang Sibil o Civil Registration sa mga nasa marginalized communities katulad ng mga Indigenous People, Muslim Filipinos at mahihirap na sektor sa Lipunan.
Samantala, binigyang diin ng ahensya na ang kanilang alok na serbisyo ay libre kung kaya’t makipag ugnayan lamang sa opisina ng civil registrar para sa iba pang katanungan. | ifmnews

Facebook Comments