Manila, Philippines – Tiniyak ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero na mayroon pang mga personnel na matatanggal at malilipat sa iba’t ibang departamento upang tuluyan nang malinis ang kanilang hanay.
Ayon kay Guerrero, una ng nasampulan ang 61 BOC personnel na kinasuhan ng administratibo dahil sa iba’t ibang kaso, tatlong tauhan ang natanggal sa serbisyo, apat ang suspindedo habang ang ibang kaso ay nakabinbin pa.
Paliwanag ni Guerrero walang puwang sa ahensiya ang mga kurap na opisyal dahil hangad ng BOC na magkaroon ng bagong modernization project na maisulong ang streamline sa mga proseso at operasyon upang tuluyan ng matuldukan ang korapsyon sa BOC.
Katunayan aniya ipinatutupad na nila ang Goods Declaration Verification System, Ticketing System, National Value Verification System, Document Tracking System, Alert Order Monitoring System at Office of the Commissioner Dashboard.