
Isinusulong ni Senate President Tito Sotto III ang balasahan at pag-reorganisa sa loob ng Department of Public Works and Higways (DPWH).
Sa Senate Bill 1835 na inihain ni Sotto, layunin nitong i-rationalize ang kapangyarihan at tungkulin sa central, regional at district offices ng DPWH upang palakasin ang transparency, efficiency at accountability ng pangasiwaan ng public infrastructure.
Sa ilalim ng panukala ay sisilipin ang mandato, kapangyarihan, organizational structure at operational framework ng ahensya kabilang na ang tungkulin ng mga undersecretaries at assistante secretaries.
Iginiit ni Sotto na mahalagang masuri ang organisasyon ng kagawaran para matukoy kung saan ang mga agwat at saan pumapasok ang mga katiwalian.
Tinitiyak ni Sotto na sa pamamagitan ng rationalization sa DPWH, hindi na iiral anag katiwalian sa ahensya.










