Balasahan sa gabinete ni PRRD, nagbabadya!

Nagbabadyang magpatupad ng balasahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang gabinete.

Batay sa isang source sa media, magiging batayan sa balasahan ay ang naging performance ng mga gabinete sa nakalipas na tatlong taon at magagawa pa bago ang pagtatapos ng termino ng Pangulo.

Inaasahang iaanunsyo ng Pangulo ang mga magiging pagbabago sa kanyang liderato, bago ang ikaapat niyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 22.


Kabilang sa tinukoy ng source na posibleng magalaw ay si Agriculture Secretary Manny Piñol na umano’y itatalaga sa Mindanao Development Authority.

Mismong si Finance Secretary Sonny Dominguez umano ang nagrekomenda na ilipat si Piñol dahil sa naging pagresponde nito sa Recto Bank incident kung saan nanganib ang buhay ng 22 mangingisdang Pinoy at ang isyu ng rice shortage noong nakaraang taon.

Facebook Comments