Patay sa pagguho ng gusali sa Cambodia, umakyat na sa 24!

Umakyat na sa dalawamput apat ang patay sa pagguho ng isang gusali sa Cambodia.

Ayon sa ulat, hindi pa tapos ang pagpapatayo sa pitong palapag na condominium nang bumigay ito noong Sabado kung saan mayroong natutulog na mga construction workers.

Napaulat na 30 manggagawa ang nasa site nang mag-collapse ang building pero sinabi ng isang manggagawa roon na nasa 50 hanggang 60 katao ang nasa loob ng building noong mangyari ang trahedya.


Nasa kustodiya naman ng pulisya ang apat na Chinese nationals na sangkot sa konstruksyon habang iniimbestigahan ang pagguho ng gusali.

Binisita rin ni Cambodian Prime Minister Hun Sen ang pinangyarihan ng pagguho.

Facebook Comments