Balasahan sa Kamara, tuloy

Manila,Philippines – Tuloy ang balasahan sa kamara para alisan ng posisyon ang mga mambabatas na hindi bumoto pabor sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

Ayon kay Speaker Pantaleon Alvarez, tanging mga mambabatas na may balidong dahilan ang hindi aalisan ng komite tulad ni Surigao Del Norte Rep. Robert Ace Barbers,Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs.

Nabatid na hindi nakadalo si Barbers sa botohan dahil kailangan niyang tutukan ang mga kababayang naapektuhan ng lindol sa lalawigan.


Dahil sa hindi pagboto sa death penalty bill, ilang mambabatas na ang natanggalan ngposisyon kabilang si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria na dating DeputySpeaker for Central Luzon.

Sinabi rin ni Alvarez na igagalang ng kaniyang liderato ang isinasaad sa konstitusyon tungkol sa mga kongresistang nakaupo sa makapangyarihang Commission on Appointments(CA) na pinipili ng mismong mga miyembro ng bawat partido.

Kaya kahit hindi bumuto pabor sa death penalty bill ay hindi maaalis sa posisyon sa CA si Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato, na kinatawan ng Kamara sa komisyonat pinili ng Liberal Party (LP).

Facebook Comments