Balay Silangan sa Quirino, Isabela, Inilunsad

Cauayan City, Isabela- Pormal nang pinasinayaan ang pang 25 na Balay Silangan sa rehiyon dos sa bayan ng Quirino, Isabela.

Personal itong dinaluhan ni Police Brigadier Steve B Ludan, regional director ng Police Regional Office (PRO) 2 noong araw ng Lunes, July 26, 2021.

Naging bahagi ng nasabing aktibidad ang signing of Memorandum of Agreement at Pledge of Commitment ng ilang mga miyembro ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at mga drug surrenderers para na rin sa unveiling of marker, ribbon cutting at pagbabasbas sa bagong tayong gusali na pansamantalang magiging tirahan ng mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot o iligal na droga.


Dumalo rin sa pagpapasinaya ang mga regional director ng PDEA RO2, DILG RO2, maging ang alkalde ng nasabing bayan na si Hon. Edward Juan, Vice Mayor Nerriza Callangan, mga opisyal ng Municipal Health Office (MHO) at mga kawani ng TESDA.

Ang “Balay Silangan” ay isa sa mga kinakailangang ipatayo ng isang munisipalidad upang tuluyang maideklara ng PDEA na ‘cleared’ na sa droga.

Ito rin ang magsisilbing pansamantalang tirahan ng mga drug surrenderers o ‘tokhang responders’ para sa kanilang pagbabago sa ilalim ng rehabilitation ang wellness program ng PNP.

Facebook Comments