BALAY SILANGAN SA SAN MATEO SA ISABLEA, BUBUKSAN NA NGAYONG SETYEMBRE

Nakatakda nang buksan ang pinto ng Balay Silangan sa bayan ng San Mateo, Isabela nitong buwan ng Setyembre.

Kaugnay nito, nagsagawa ng pinal na inspeksyon sa pasilidad ang PDEA RO 2 Balay Silangan Focal Person kasama ang PDEA Quirino Provincial Office nitong Biyernes, Setyembre 16, 2022 bilang preparasyon sa pagpapasinaya nito.

May kabuuang 19 reformists na kinabibilangan ng 17 lalaki at dalawang babae ang nakatakdang sumailalim sa Balay Silangan program.

Ang Balay Silangan ay isang community-based reformation program na naglalayong i-rehabilitate ang mga sumukong drug personalities upang sila ay maging self-sufficient at maging miyembro ng lipunan na sumusunod sa batas.

Sa ilalim ng programa, bibigyan ang mga reformists ng mga interbensyon katulad ng edukasyon at kamalayan sa kalusugan, at sikolohikal/espirituwal/pisikal na aktibidad tulad ng pagpapayo, moral recovery, values formation, personal at life skills, at iba pa.

Tuturuan din sila ng paggawa ng sabon, massage training, basic carpentry, welding, haircutting at iba pang livelihood at skills training na magbubukas ng oportunidad sa trabaho para sa mga reformists.

Facebook Comments