Baldadong lalaki, kinagat ng kapwa pasahero matapos umano niyang pasuotin ng face mask

581
(Credit: CEN)

BELGIUM – Sugat sa dibdib ang tinamo ng isang lalaking may kapansanan matapos niyang pakiusapan ang pasahero ng sinasakyang bus na suotin ng tama ang face mask.

Sa ulat ng Dutch daily newspaper AD Media, napansin ng biktimang si Robert Murphy, 56, ang noo’y kasasakay lang na mag-partner na umupo sa kanyang harapan.


Parehong nakatanggal ang face mask ng dalawa at nakalagay sa kanilang baba kaya umano niya ito pinagsabihan na isuot ito ng tama.

Ngunit tumanggi raw ang lalaki hanggang sa nauwi sa sagutan at away.

Sinubukang pumalag ni Murphy ngunit naging mahirap daw ito dahil siya ay baldado.

Sa gitna ng patuloy na iringan ng dalawa, bigla na lang daw kinagat ng lalaki sa dibdib si Murphy na parang isang galit na aso.




Muntikan pa itong maulit pero napigilan sila ng ilan pang pasahero ng naturang bus.

Nang makatulong ang mga saksi sa nangyari, tumalon palabas ng bus ang mag-partner at nagtangka pang tumakas ngunit inaresto rin kinalaunan.

Idinala naman sa ospital si Murphy para gamutin ang sugat na nakuha nito.

Facebook Comments