NBA, wala ng naitalang manlalaro na nagpositibo sa COVID-19

39

Wala ng manlalaro ng National Basketball Association (NBA) ang nagpositibo sa isinagawang COVID-19 testing, isang araw bago ang pormal na pagsisimula ng season sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.


Ayon kay NBA Commissioner Adam Silver, naging epektibo ang ginawa nilang quarantine bubble, ilang linggo bago ang pagsisimula ng tune-up games at ang pagbubukas muli ng season.

Aniya, mahigpit nilang binabantayan ang mga manlalaro para matiyak na hindi sila makakalabas sa lugar.

Kasabay nito, tiniyak ni Silver na wala ng magiging aberya pa sa pagsisimula muli ng NBA season.

Facebook Comments